ISANG MUNDONG PINAG-ISIPAN
Isang mundong pinag-isipan.
Ni AJ Celestial
Hi again! AJ here… Share ko lang tong “di-kagandahan” kong outputs sa PR writing. Kung di mo nahalata, those are posters. Advocacy posters yan and well, I’ve chosen RH as my advocacy. Yes, I am pro-RH at di ko lang basta naisip na i-advocate ito. Pinag-aralan ko ito at tinimbang. Going back to the posters, the perfect element in most advocacies daw ay bata. Pag bata kasi madaling kaawaan, cute. Pero di sila basta dapat kinaaawaan. Dapat sa kanila tinutulungan. Kaya as you can see, bidang bida ang mga bata sa mga poster na ito. Nakatingin sa iyo na para bang may gustong sabihin. Pero nakangiti sila. Masaya kahit halatang salat sa buhay. Di pa siguro nila gaanong nauunawaan ang kalagayan nila. Madalas, tawag ng sikmura lang ang napapansin nila at nagpapalungkot sa kanila. Pero paano yung mga ibang katotohanang lingid pa sa kamuangan nila?
Dapat nilang malaman na malabo ang kinabukasan kung mananatili sila sa kalye, kung hindi sila makakapag-aral, kung magulo ang paligid nila at kung exposed sila sa mga iligal na gawain. Sa tingin ko kasi kung ako ang nasa kalagayan nila at malaman kong ganun ang sitwasyon, mahirap talagang mamotivate eh. Iisipin ko na lang “wala na rin naman palang patutunguhan ang buhay ko eh, bakit ko pa susubukang ayusin?” Sa experience ko kasi yung mga lumaki na sa kalye, sila yung mga taong nakuntento na sa kinalugmukan nila. Pinanghawakan nila yung kawalang pag-asa kasi nga walang nagmomotivate. Wala na lang silang ginagawa para iahon ang mga sarili sa kahirapan. E tayo ano’ng magagawa naten?
Balik ulet sa poster, sabi jan “if one just considers the possible solutions to unwanted conceptions, we’ll be eradicating most poverty-related issues and no child would have to suffer from hunger, physical and mental abuse, illiteracy and child labor among others.” Oo, pero not totally, sinisisi ko silang mga lumaki na sa lansangan. Alam naman nila ang hirap ng buhay, pinagdaanan nila ang maging batang kalye, ang mamalimos, ang magutom pero heto sila, mababa na ang tatlong anak, yung iba may sampu o bente pa ata. Kung sana kaya nilang palakihin ang mga ito ng maayos, pakainin ng tatlong beses sa isang araw at papag-aralin sa eskwela, OK lang. Pero yung wala na nga silang makain, tapos gagawa pa sila ng bagong papakainin, eh mali naman ata yun. Kaya nga sabi din jan sa poster ko “RH is HR.” Karapatan ng mga tao ang magkaroon ng kaalaman sa reproductive health at bahagi nun ang magkaroon ng access sa mga teknolohiya o mga pamamaraang makakatulong sa kanila upang mapangalagaan ang kanilang sarili at maiplanong maigi ang kani-kaniyang kinabukasan – and yes I’m talking about controlled birth, planned family. Karapatan ng bawat ipinapanganak na bata na mabuhay ng matiwasay at karapatan (at responsibilidad) din ng kanilang mga magulang ang paghandaan ang kanilang pagdating sa mundo. Kung di kaya WAG. Para mas maging maayos RH ang kailangan.
Wala naman masamang magplano at mag-siguro. Mabuti ito lalo na kung buhay ang pinag-uusapan. Kung ganun pala, may solusyon sa kahirapan. Maaaring balang araw ay wala nang batang sasalubong sa iyo sa pagsakay mo sa dyip. Wala nang mga pamilyang sa kariton natutulog. Wala nang namamatay dahil sa gutom. Maaaring balang araw, lahat ay masigla. Lahat ay may bahay na nasisilungan at inuuwian araw-araw. Lahat ay nabubuhay ng walang pangamba. Di naman utopian na mundo ang nasa isip ko. Kundi isang mundong pinag-isipan, pinagplanuhan, “inaalagaan.” Isang mundo kung saan may pakialam ang bawat tao sa isa’t isa. RH pa lang ang isinusulong ko dito pero kung papansinin mo dugtung-dugtong ang mga isyu. Kabit-kabit ang mga problema. Kaya naman kung sisimulan na nateng ayusin ito ng isa-isa, edi sunud-sunod na rin yang maaayos. Pag-asa lang. Tiwala sa KANYA. Sabi ko nga sa last post ko, “God’s plans are always perfect.” Hanggang dito na lang ulit! Magandang araw!
(unrelated) Why not try to focus on lighter issues re street children? Medyo mabigat kasi yung mga topic mo. Just a thought.
Nice post, by the way.
Right AJ! Un nga, mababago naman yan, kahit paunti-unti. kelangan lang ng kooperasyon ng lahat
Ang mga magulang ng mga batang nakatira sa kalsada, sila ang nangangailangan ng malaking pagbabago. At hindi naman dapat gawing dahilan nga mga bata na bata pa sila para walang gawin e. Bilib nga ako sa kanila, sa murang edad nila, marami na silang alam tungkol sa buhay maraming probleman naharap at nalagpasan na. Dapat gamiti nnila ung mga natutunan nila sa tamang paraan. dapat hindi sila panghinaan ng loob na hanggang ganun na lang buhay nila. Ung kalagayan pa lang nila, sa tingin ko sapat ng inspirasyon at motibasyon un para sa kanila
pero syempre, kelangan ng push ng mga taong naniniwala sa kanila
) lalo na ng kanilang magulang.
Ano ba tong sinasabi ko? Haha.
) Blog din. LOL
) But itruly agree sayo na kabit-kabit ang mga problema. Kapag nasolusyonan ang isa, magtutuloy-tuloy na yan
) Makibaka! LOL
) ayan ah. nagkumento ako
)
BTW, ganda ng Advocacy Ads mo ah
Magandang PR for Pro-RH Bill. If you’re into Pro-RH Bill, you should join https://www.facebook.com/prorhbill
I see a lot of interesting articles on your page. You have to spend
a lot of time writing, i know how to save you a lot of work, there is a tool
that creates unique, google friendly articles in couple of minutes, just
type in google – k2 unlimited content
I read a lot of interesting articles here. Probably you spend a lot of time writing, i know how to save you a
lot of work, there is an online tool that creates unique, google friendly posts in minutes, just search in google – laranitas
free content source