You are here: Home > Two Minds Collide > Ako si AJ. Ako si Jeszii. You’re on US ON THE STREETS DAY ONE.

Ako si AJ. Ako si Jeszii. You’re on US ON THE STREETS DAY ONE.

Hi friends! Kami nga pala sina AJ at Jesse. Pawang mga communication majors mula sa magkaibang paaralan. Hindi kami gaanong malapit na mag-kaibigan. Ang totoo niyan ay marami kaming di pinagkakasunduan pagdating sa ilang mga bagay-bagay. Paano ba naman, apat na araw lang kaming nagkasama. At mula sa petsa na isinusulat namin ang entry na ito ay may isang linggo pa lang kaming magkakikila. Gayunpaman, heto kami at may nais kaming gustong gawin at simulan. At gusto sana namin, makasama naming kayo sa aming “paglalakbay.”

Simple lang: pag-usapan natin ang mga bata sa kalsada. Siguro naman di mahirap na topic ito lalo na mga gaya naming taga-lungsod. Sa araw-araw ata na ginawa ng Diyos ay laging may isa o ilang mga batang mangungulit sa atin at manghihingi ng limos. Well, at this point, we are assuming na we all have had experiences with street children (biglang nag-english? LOL). At one point of our lives, nakakita na tayo ng batang marungis at pagala-gala sa kalye, nakapagbigay tayo ng konting barya sa batang nakikisabit sa dyip at nagpupunas ng sapatos, nakakausap tayo ng batang cute at mukhang bibo at mabait kaso nasa kalsada at naglalako. At sa dami rin siguro ng mga batang ito, imposibleng hindi natin sila mapapansin. Sa dami nila, imposibleng maubos ang kwento. Pero gumawa tayo ng isang bagay na posible! TUMULONG.

Hindi naman namin hinihiling na magbigay kayo ng anumang donasyon, in cash man o in kind, sa mga batang ito. Kami nga mismo walang maibigay eh. Pero helping comes in many and different ways. At isa na itong ginagawa namin para matulungan sila. Sabi nga diba “it’s the thought that counts.” Ito pa lang na pinag-uusapan natin sila, eh maituturing nang pagtulong. Again, hindi namin kayo ino-obligang magbigay ng anumang bagay, pero ang gusto sana naming mangyari ay at the end of each post, sa bawat pagtatapos ng mga araw natin, may question tayo sa mga sarili natin: “What have I done, what am I doing, what am I going to do?”

Dito natin simulan ang ating kwentuhan. Bagtasin natin ang kalsada. Dalhin natin ang ating mga sarili sa kung saan naroon ang mga batang-lansangan. Damhin natin ang kanilang pagkagutom, pangungulila, paghihirap. . . Alamin natin ang kanilang mga simpleng kaligayahan, mga kahilingan at pangarap. Tayo na sa lansangan.

Us on the streets, DAY ONE.

Tags:

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

2 Responses to “Ako si AJ. Ako si Jeszii. You’re on US ON THE STREETS DAY ONE.”

  1. Dynes says:

    Interesting.. Will follow your posts peepz. :)

  2. Jesselyn says:

    Hi dynes! please do read our latest posts. we’ve been busy these days coz of school workloads. we’re ready and writing again! Thanks!

Leave a Reply